
MALIGAYANG ARAW NG KAPISTAHAN!
ano: Araw ng mga magiliw
kailan: tuwing ika-26 na araw
saan: sa ibayong banua
Ang Pistang Magiliw o Araw ng Paglikha ay naglalayong mas mapa-igting ang pagsasamahan ng mga Magiliw. Hangarin din nitong mapataas ang tiwala sa sarili ng bawat Magiliw sa pamamagitan ng paglalapag at pagbabahagi ng iba't ibang kahusayan sa araw na ito.
Isa sa mga gawain tuwing kapistahan ay ang pagpapakita ng talento sa iba't ibang larangan tulad ng pagsulat, pagguhit, pagbigkas, pagkanta, pagsayaw, pagbabahagi ng iyong kuhang bidyo o larawan at kahit ano pang samot-saring talento.
Ang Pistang Magiliw ay gaganapin tuwing ika-26 na araw ng buwan. Ito ay bahagi ng buwanang pagdiriwang ng Araw ng Magiliw. Para sa kaalaman ng lahat, ang mga sumusuporta sa ALAMAT ay binansagang MAGILIW noong Nobyembre 26, 2020.
Upang mas maging maayos ang daloy ng ating pagdiriwang, naisipan ng mga tagapamuno na maglabas ng buwanang tema na susundin ng mga makikilahok. Ang buwanang tema ay ipababatid sa tanggapang ito tuwing unang araw ng buwan. (Para sa buwan ng Pebrero, minabuti munang hindi magbigay ng tema dahil sa kakulangan ng oras upang makapaghanda. Sa buwan ng Marso magsisimulang maglapag ng tema ang aming tanggapan.)
Dagdag pa rito, hinihikayat din ang lahat ng makikilahok sa kapistahan na gamitin ang mga itinalagang tags sa tuwing may ibabahagi na gawa. Mangyaring gamitin ang mga sumusunod ayon sa inyong ipapakita:
#SiningALAMAT para sa fan arts (traditional/digital)
#LikhaALAMAT para sa fan edits (bidyo/litrato)
#SulatALAMAT para sa AUs/tula/kanta
#HandogALAMAT para sa song/dance covers
#SarilingALAMAT para sa selfies
#KuhangMAGILIW para sa fanshots/fanvids (fansites)
#ALAMATalakayan para sa talakayan tungkol sa kultura
-
Kung ikaw ay may mungkahi, mangyari lamang na padalhan kami ng mensahe RITO
TAG-GABAY
| Lunes | Martes | Miyerkules |
|---|---|---|
| BalikALAMAT | Pagboto ng Magiliw | Subaybay ALAMAT |
| Huwebes | Biyernes | Sabado |
|---|---|---|
| BalikALAMAT | Pagboto ng Magiliw | Subaybay ALAMAT |
BalikALAMAT Retweet day
Pagboto ng Magiliw Voting day
Subaybay ALAMAT Streaming day
Para malaman ang tag of the day, bisitahin lamang ito.